TILA napahiya ang mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagnanais ng mga ito na maalis sa puwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Sa idinaos na pagdinig mg House Committe on Dange-rous Drugs, harap-harapang sinabihan ng ilang kongresista si Faeldon na magbitiw na sa tungkulin.
Ayon kasi sa mga mambabatas ay malaking kahihiyan ang ibinigay ni Faeldon sa kampanya ni Duterte laban sa illegal drugs matapos makalusot ang P6.4 billion na halaga ng shabu na dumaan sa BOC.
Hindi na tinapos ni Faeldon ang hearing ng komite dahil nagpunta na ito sa Malacañang matapos ipatawag ng Presidente.
Matapos ang pagpupulong sa Malacañang ay agad na sina-bi ni Duterte na may tiwala pa rin siya kay Faeldon sa kabila ng mga kontrobersiya sa drug smuggling.
Isang malaking sampal sa mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Alvarez ang desisyon ng Presidente na panatilihin pa si Faeldon sa tungkulin. Ang persepsiyon ngayon ng publiko, mahina na si Alvarez kay Digong.
Tila natameme rin si Speaker at nagkataon ng katapat dahil ibinisto ni Atty. Mandy Anderson, na tauhan ni Faeldon ang umano’y pag-lobby at pambrabraso sa promotion ng isang opisyal din sa Adwana.
Napilitan din si Speaker na aminin at kumpirmahin ang kanyang endorsement letter pero hanggang doon lang daw sa sulat at walang brasuhan.
May nagbulong sa akin na may posibilidad na magkaroon mg reorganisasyon sa Kamara. Kaya mag-abang na muna tayo sa mga mangyayari sa Kongreso.