^

Punto Mo

Mga vendor sa Divisoria nakangiti na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NGITING aso na ngayon ang mga vendor sa Divisoria at mukhang naayos na ang relasyon nila sa mga Doberman ni Supt. Santiago Pascual, hepe ng MPD-Station 2. Kung dati-rati’y singbilis ng kidlat ang mga vendor kung magbigay ng detalye sa kanilang reklamo sa mga Doberman ni Pascual na sina SPO4 Alex Santos at AWOL cop na si SPO4 Boy Wong, aba kasing-kupad na sila sa ngayon ng pagong. Kuntento na kaya ang vendors sa trato ng mga Doberman ni Pascual sa kanila? Kung sabagay, ayon sa makupad na report ng mga vendor naawa na sila kay Pascual at ang kinamumuhian na lang nila ay sina Santos at Wong. Hak hak hak! Ang bilis kumambyo ng hangin ah. Kung nakangiti sa ngayon ang vendors, tiyak ganundin sina Pascual, dating konsehal Dennis Alcoreza, Gerry Escultor, di ba mga kosa?

Normal na ang operation ng vendors sa Divisoria dahil ibinalik na sa P150 ang daily tong nila sa Station 2. At hindi lang ‘yan! Kapag umuulan at hindi sila makalatag ng kanilang paninda, hindi na magbibigay ng tara ang mga vendor sa mga Doberman di tulad ng dati na sinisingil sila kahit hindi sila nagtinda. Siyempre, ang vendors mga kosa ay nangungutang din ng 5-6 na puhunan sa mga Indian national kaya malaking dagok sa kanila kapag sinisingil pa ang araw na hindi sila nagtinda. Get’s mo MPD director Chief Supt. Jigs Coronel Sir? Kaya malaking kaluwagan ang sistemang umiiral ngayon sa Divisoria para sa mga vendor kaya nakangiti na sila. Hehehe! May puso’t damdamin din pala si Pascual ano mga kosa?

Si Santos naman ay hindi nasilayan ng mga kamag-anak ko sa Del Pan PCP tulad ng tinuran ni kosang Rene de Jesus na inilipat na siya roon. Talagang nakalubog lang si Santos dahil natunugan niyang tinatrabaho siya ng mga tauhan ni Sr. Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng Counter Intelligence Task Force (CITF) sa Camp Crame. Kaya si Santos ay kasalukuyang nagkukulong sa Station 2 sa Tondo at ang nautusan niyang kumuha ng para para sa kanyang amo ay ang mga sibilyan na sina alyas Taga at Lando para sa vendors. At ang sa parking naman sa 168 mall, na sakop ni chairwoman Marissa Alejandro ay si alyas Makoy. Subalit mukhang maganda ang relasyon nina Taga, Lando at Makoy sa vendors. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kung nakangiti na ang mga vendor sa Divisoria, baliktad naman ang nangyayari sa ngayon sa mga financier ng mga pasugalan sa sakop ng Station 2. Ang financiers na naman sa illegal gambling ang umiiyak dahil sa sobrang lufeettt at bangis ni PO2 Montero na bata naman ni Sebastian, ang isa sa mga Doberman. Nagyayabang ngayon si Montero na hindi siya kayang habulin ng taga-CITF. Boom Panes! Hehehe! Aber, tingnan nga natin! Sabi ko na ba’t sa pasugalan tatakbo ang mga Doberman para masambot ang mawawala sa kanilang amo e.

Kapag masaya na ang vendors, ganundin tiyak sina Alcoreza at Escultor dahil hindi na sila masisigawan at mapagalitan ni Manila Mayor Erap Estrada. Subalit tumunog ang balita sa City Hall na malilipat ng puwesto ang bagman ni Erap na si Alcoreza sa DPS. Pero ‘wag munang paniwalaan ang balitang paglipat ni Alcoreza mga kosa dahil baka ang akala ni Erap ay nasa pelikula pa siya. Ang napaugong na papalit kay Alcoreza ay si dating konsehal Josie Siscar, na naging madalas ang pagpakain ng lugaw sa mga empleado tuwing flag ceremony. Kaya nakatutok ngayon ang Manilenyo kay Erap dahil kapag natanggal niya ang tong sa vendors nina Alcoreza at Escultor, tiyak na ang panalo niya sa 2019 elections kahit sino pa ang kanyang kalaban niya. Hehehe! All is well that ends well na kaya ang problema ng vendors? Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with