^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag balewalain ang earthquake drill

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag balewalain ang earthquake drill

KAHAPON ng alas kuwatro ng hapon, isinagawa ang 3rd Metro Manila Shakedrill sa Metro Manila. Inatasang mag-duck, cover and hold sa pagtunog ng sirena.

Naging sentro ang Ortigas Center sa Pasig City sa pagdaraos nang malawakang earthquake drill na ang layunin ay maihanda ang mamamayan, lalo ang mga nasa Metro Manila sa pagtama ng “The Big One”.

Pero tila binabalewala nang marami ang drill. Hindi siniseryoso ang mga ginagawang paghahanda. Hindi nakikiisa sa panawagan na maghanda upang maiwasan ang pinsala. Kadalasang ang pagpapanic kung may lindol ang dahilan kaya maraming namamatay.

Sunud-sunod ang mga paglindol na nagaganap sa iba’t ibang lugar sa bansa. Noong Martes ng umaga, niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang Ormoc, Leyte na nagdulot ng takot sa mga residente. Mayroong ayaw nang pumasok sa bahay sa pangambang lumindol muli.

Noong nakaraang Huwebes, nilindol ng 6.5 magnitude ang Leyte. Dalawa ang namatay at 100 ang nasugatan. May mga naguhong gusali at bahay. May mga sasakyang nabagsakan at naguhuan. Nagkabitak-bitak ang kalsada.

Ang earthquake drill ay lubhang mahalaga. Nang lumindol sa Haiti ilang taon na ang nakararaan, marami ang namatay. Hindi sila nakapaghanda. Binalewala ang earthquake drill.

Lagi nang nagpapaalala ang Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan ukol sa pagtama ng lindol. Anumang oras sabi ng Phivolcs ay maaaring lumindol sa Metro Manila. Posibleng gumalaw ang faultline na nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite.  Ayon pa sa Phivolcs kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) magkakaroon pa ng mga susunod na earthquake drill na tatagal hanggang Hulyo 17 (Lunes). Hinihikayat ng MMDA ang taumbayan na makiisa rito para maging handa sa pagtama ng lindol. Nararapat mamulat ang lahat sa kahalagahan ng paghahanda.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with