^

Punto Mo

Nagpapakalat ng balita sa fake rice, kasuhan

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

Panahon na para papanagutin ang mga taong nagpapakalat ng mga maling balita tulad ng umano’y fake rice.

Usong-uso na ngayon ang fake news lalo na ang usapin sa pulitika o pinag-aaway ang oposisyon at administrasyon.

Pero mas mahalaga ang interes ng publiko sa isyu ng bigas na pangunahin at paboritong pagkain ng mga Pilipino.

Sa social media lang naman natin nalalaman na mayroong fake rice umano pero mismong ang National Food Authority (NFA) ay pinabulaanan na may bigas na gawa sa plastic.

Ipinaliwanag ng NFA na masyadong magastos ang sangkap ng plastic kumpara sa tunay na bigas kaya malabong gawin ang pekeng bigas.

Dapat papanagutin ng gobyerno ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyong ito sa social media upang hindi na lumikha pa ng pangamba sa publiko.

Unahin muna ang parusa sa mga fake rice at isunod din ang nagpapakalat ng fake news bilang paghihigpit ng gobyerno at pagbibigay ng proteksiyon sa taumbayan.

Sa taga-media, dapat parusahan din ang mga papatol sa fake news at mauna nang kumilos ang kani-kanilang network bukod pa sa mga kinauukulang organisasyon.

Samantala, payo ko sa lahat na mag-ingat sa fake news na nakukuha sa social media at huwag nang i-share upang hindi na makatulong sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with