Rashes sa Kili-kili

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

Ang rashes sa kili-kili ay nagdudulot ng pangangati, maliliit na bukol sa balat, pamumula o pangingitim, pagbabalat at pamamaho nito. Ang rashes na mula sa allergies ay delikado kaya kumonsulta agad sa doktor. Pero ang minor armpit rashes ay maaaring masolusyunan ng home remedy.

1. Magbalot ng ice cubes sa manipis na towel at ilapat sa kili-kili ng ilang minuto. Gawin ito sa loob ng 10 minuto na may pahinga kung masakit na.

2. Pahiran ng extra-virgin coconut oil ang kili-kili at hayaang ma-absorb ito. Gawin ito ilang beses sa isang araw.

3. Pahiran ng aloe vera gel ang kili-kili at hayaan ng 30 minuto bago banlawan ng malamig na tubig.

4. Magbabad ng 20 minuto sa bathtub na may mainit na tubig at hinaluan ng 1 tasa ng colloidal oatmel at ilang patak ng essential oil.

5. Maghalo ng 1 kutsaritang apple cider vine­gar at ½ tasa ng tubig. Ipahid ang mixture sa kili-kili at iwan ng 10 minuto bago banlawan.

6. Maghalo ng 1 part baking soda at 3 parts water. Ipahid ang paste sa kili-kili ng ilang minuto bago banlawan.

7. Marahang magkuskos ng lemon slice sa kili-kili at iwan ng 5 minuto bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito ng 3 beses sa isang araw.

Show comments