DALAWA ang patay anim ang sugatan sa pinakahuling nangyaring pagsabog sa Quiapo.
Kabilang sa mga nasugatan ay ang dalawang pulis na nag-iimbestiga sa unang pagsabog mga bandang alas sais ng gabi.
Isang sa hinihinalang motibo ng motibo rito ay ang mga natatanggap ng death threats ni Atty. Nasser Abinar na Presidente ng Imamate Islamic Center.
Nagkataon na wala si Abinar sa kanyang opisina nang mangyari ang pagsabog. Dinala ito ng grab express at ang namatay sa unang pagsabog ay ang nagdala at ang tatanggap.
Ilang oras lang ang nakalipas muling nagkaroon ng pagsabog sa lugar kaya’t masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari para matukoy kung sino ang mga salarin dito.
Naniniwala naman ang awtoridad na walang kinakalaman sa terorismo ang nangyaring kambal na pagsabog.
May ilang haka-haka naman na kaugnay nito ng destabilization plot.
Sa pangyayaring ito, hindi lang ang Grab ang kinakailangang mag-ingat sa mga package na ipinadadala sa kanila kundi maging ang ilang courier services.
Mas mabuting makita nila ang laman ng ipinadadalang package bago nila ito tanggapin at isakay sa kanilang mga sasakyan para hindi sila nagagamit sa ganitong uri ng krimen.
Kung kinakailangan na sealed ang package pagdating sa pagpapadalhan ay sila na mismo ang mag-ayos nito nang sa ganun ay maiwasan ang kapahamakan.
Buhay din ng mga taong nagtatrabaho ang nalalagay sa panganib tulad na lamang ng driver ng Grab express.
Sa ngayon ay inaalam ng mga pulis kung sino ang nananakot at nagbabanta sa buhay ni Atty. Abinal dahil naniniwala silang konektado ang nangyaring pagsabog.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.