^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pang lilitaw na ‘photo bombers’

Pang-masa
EDITORYAL  - Marami pang lilitaw na ‘photo bombers’

ANG desisyon ng Supreme Court na nagbabasura sa petisyon na ipatigil ang construction ng Torre de Manila ay magluluwal pa sa maraming problema sa hinaharap. Tiyak na marami pang lilitaw na “photo bombers” at aagawin nang tuluyan ang tanawin na dapat sana ay monumento lamang ni Jose Rizal ang matatanaw.

Sa botong 9-6, dinismis ng SC ang petisyon ng Knights of Rizal (KoR). Sabi ng SC wala raw batas na nagsasabing bawal ang magtayo ng istruktura sa paligid ng monumento. Ibinasura ng SC ang argumento ng KoR na lumabag ang contractor na DMCI sa batas na dapat ay maprotektahan at mapreserba ang Rizal Monument sa anumang makaaagaw ng pansin dito. Agad inalis ng SC ang temporary restraining order na inisyu sa Torre de Manila dalawang taon na ang nakararaan. Ibig sabihin maaari nang ipagpatuloy ang construction ng condominium na umaabot na sa 49 na palapag.

Noong Hunyo 2015, inireklamo ng KOR ang Torre dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4846 (Cultural Properties Preservation and Protection Act) at Republic Act No. 10066 (National Cultural Heritage Act of 2009). Una nang tumutol sa pagtatayo ng condo ang tour guide at cultural activist na si David Celdran. Nagsagawa ng online campaign si Celdran para mapigilan ang construction subalit nagpatuloy pa rin ang Torre. Hanggang sa mag-isyu nga ng TRO ang SC. Nagturuan pa noon at nagsisihan sina Manila Mayor Joseph Estrada at dating Manila Mayor Alfredo Lim sa isyu ng Torre. Bawat isa ay nagsasabing wala silang kasalanan.

Ngayong nagpasya na ang SC sa Torre, ang tiyak, marami pang “photo bombers” ang lilitaw. May pagbabasehan na sila para magtayo nang nagtatayugang condominium sa paligid ng Rizal Park. Kawawa naman ang bayani.

vuukle comment

TORRE DE MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with