Malaki na raw ang ipinagbago sa daloy ng trapiko sa paligid ng Baclaran Church .
Hindi lang naging maaliwalas ang naturang lugar , lumuwag din ang daloy ng trapiko rito.
Patunay ito ng maraming motorista na dati eh, kalbaryo ang ginagawang paglalakbay dito.
Ito nga eh matapos na suyurin ng Metropolitan Manila Development Auhtority (MMDA) ang mga illegal vendors at illegal terminal sa lugar.
Dahil nga dito, eto ha, lilinisin na rin sa lahat ng traffic obstruction sa buong kahabaan ng service road ng Roxas Blvd, buhat nga ito sa Baclaran hanggang T.M Kalaw sa Maynila.
24/7 ang ginagawang pagbabantay sa lugar ng Baclaran, para hindi umano makabalik ang mga illegal vendors at terminals.
Naniniwala ang pamunuan ng MMDA na mahigpit na pagbabantay lamang pala ang nakikitang susi para malutas ang mga sagabal sa lansangan.
Sana nga ay hindi ningas-kugon lang ang operasyon na ito at magtuluy-tuloy na hindi lamang sa Roxas Blvd. kundi sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Sana ay matutukan na rin ang obstruction naman na dulot ng mga repair at konstruksyon sa mga lansangan.
Eto yung mga walang pakialam na kontraktor kung saan ang kanilang mga gamit eh basta na lang nakahambalang sa daan . Marami rin ang tinutulugan ang gawa kaya grabe ang itinatagal.
Ito ang tutumbukin natin sa susunod na mga araw.