^

Punto Mo

Traffic obstruction!

RESPONDE - Gus Abelgas - Associated Press

Malaki na raw ang ipinagbago sa daloy ng trapiko sa paligid ng Baclaran Church .

Hindi lang naging maaliwalas ang naturang lugar , lumuwag din ang daloy ng trapiko rito.

Patunay ito ng maraming motorista na dati eh, kalbaryo ang ginagawang paglalakbay dito.

Ito nga eh matapos na suyurin ng Metropolitan  Manila Development Auhtority (MMDA) ang mga illegal vendors at illegal terminal sa lugar.

Dahil nga dito, eto ha, lilinisin na rin sa lahat ng traffic obstruction sa buong kahabaan ng service road ng Roxas Blvd, buhat nga ito sa Baclaran hanggang  T.M Kalaw sa Maynila.

24/7 ang ginagawang pagbabantay sa lugar ng Baclaran, para hindi umano makabalik ang mga illegal vendors at terminals.

Naniniwala ang pamunuan ng MMDA  na mahigpit na pagbabantay lamang pala ang nakikitang susi para malutas ang mga sagabal sa lansangan.

Sana nga ay hindi ningas-kugon lang ang operasyon na ito at magtuluy-tuloy na hindi lamang sa Roxas Blvd. kundi sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sana ay matutukan na rin ang  obstruction naman na dulot ng mga repair at konstruksyon sa mga lansangan.

Eto yung mga walang pakialam na kontraktor kung saan ang  kanilang mga gamit eh basta na lang nakahambalang sa daan . Marami rin ang tinutulugan ang gawa kaya grabe ang itinatagal. 

Ito ang tutumbukin natin sa susunod na mga araw. 

BACLARAN CHURCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with