^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi matatapos ang paghingi ng Kadamay

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi matatapos ang paghingi ng Kadamay

DALAWANG buwan na ang nakararaan mula nang okupahin ng mga miyembro ng Ka-damay ang housing units sa Pandi, Bulacan. Noon pa, alam nilang maraming kulang sa units. Walang kisame, tubig at kuryente. Pero sabi nila, okey lang daw. Kaya raw nilang magtiis basta ang mahalaga ay mayroon silang sariling bahay. Ang kailangan daw nila ay bahay na masisilungan. Matagal na raw nilang hinihiling sa gobyerno na bigyan sila ng bahay. Pero nagsawa na raw sila sa kasisigaw sa gobyerno at hindi naman sila nariri-nig. Nagpunta pa nga raw sila sa Mendiola para ipanawagan ang kanilang kahilingang bigyan sila ng bahay. Karapatan daw nilang pagkalooban ng libreng bahay.

Kaya ang ginawa nila, inokupahan ang hou-sing units sa Pandi na ayon na rin sa kanila ay nakatiwangwang. Hinahayaan lang daw na mabulok ang mga bahay na ginawa ng gobyerno. Mahigit 2,000 miyembro ng Kadamay ang lumusob at nagkanya-kanyang okupa sa housing units. Nilagyan na nila ng pangalan. Mayroon na silang dalang mga kaldero, pinggan, kutsara at iba pang gamit. Ang iba, nilagyan na ng kurtina ang mga bahay nilang pinili. Wala namang nagawa ang National Housing Authority (NHA) kahit pa sinabing naka-award na sa mga sundalo at pulis ang mga bahay na inokupa. Hindi na nila mapaalis.

Lalo pang lumakas ang loob nang sabihin ni President Duterte na ipagkaloob na sa Kadamay ang mga unit at bibigyan na lang nang mas malaki ang mga pulis at sundalo.

Pero hindi pa pala tapos ang hinaing ng mga Kadamay sapagkat nagde-demand sila ng tubig at kuryente. Nag-rally sila sa harap ng munisipyo ng Pandi at humihiling na lagyan ng tubig at kuryente ang mga bahay na inokupa. Babayaran naman daw nila ang konsumo.

Ngayo’y nakikita na puwede pala silang magrally kapag may hihilingin. Kailangan pala ay lumusob sila at sasagutin ang kanilang pakay. Hindi magtatagal at estilong ito ng Kadamay ay gagawin na rin ng iba. Sapilitang mag-ookupa ng pag-aari ng gobyerno at bahala nang magkagulo. Hindi maganda ang ganito. Dapat tuparin ng Presidente na iba-bazooka sila kapag nagpumilit pa.

 

KA-DAMAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with