^

Punto Mo

Kulay puti na gulay at prutas

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

DEPENDE sa kulay ng gulay at prutas ay may kanya-kanya itong benepisyo para sa katawan. Ang mga prutas at gulay na kulay puti ay may sangkap na “anthoxanthins.” Kadalasan, ang mga pagkaing ito ay mabuti sa ating kidneys, muscles at nerves. Tingnan natin ang ilang mga halimbawa nito:

1. Saging -- Ang saging ay puwede gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Nagbibigay ito ng lakas para sa mga nag-eehersisyo. Ang isang pirasong saging ay may taglay na 100 calories. May tulong ang saging sa taong may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot sa puso. Kahit ang hilig mo ay lakatan, latundan o saba, lahat ito ay masustansya at madali pang baunin.

2. Bawang -- Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong sa pag-iwas sa kanser sa colon, suso, baga at prostate. Ang pagkain ng 2 o 3 butil ng bawang ay nakapagpapababa ng kolesterol. Puwedeng ihalo ito sa iyong pagkain. Huwag sunugin ang bawang at baka mawala ang mabisang sangkap nitong allyl sulfides. Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.

3. Patatas – Ang patatas ay mas masustansiya kaysa sa kanin. Ayon kay Professor Mary Ellen Camire ng University of Maine, ang balat ng patatas ay may sangkap na chlorogenic acid na tinatayang panlaban sa kanser. Sa laboratoryo, napakita na ina-absorb ng patatas ang mga masasamang kemikal na galing sa inihaw na pagkain. Mataas sa potassium ang patatas kaya mahusay ito para sa mga atleta at may sakit sa puso. Puwede rin itong kainin ng mga may diabetes. Piliin lamang ang baked potatoes kaysa sa French fries.

Ang iba pang masustansiyang puting gulay ay ang cauliflower, sibuyas, luya at mushroom.

PUTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with