^

Punto Mo

Krema (159)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASYADO namang bold si Lex at parang may gusto nang mangyari sa kanila ngayon, naisip ni Krema habang nakatingin sa lalaking naglulunoy sa malinaw at malinis na tubig ng ilog. Sarap na sarap si Lex habang sumisisid sa ilog. Parang bata na noon lamang nakalangoy sa ilog.

Sabagay ano ba naman ang masama kung magkasama silang maligo sa ilog? Di ba noong umalis si Lex ay hinahanap niya ito? Pati nga ang picture nito ay idinispley pa niya dahil sa matin-ding kasabikan. Naidasal niyang sana ay bumalik ito sa bahay para magka­sama sila at mangyari ang kanyang nasasaisip. Bakit nagdadalawang-isip siya ngayon? Dapat hindi na siya magpakipot pa dahil alam naman niyang binata si Lex at siya naman ay dalagang-dalaga at virgin pa. Maski nga si Lex ay hindi maniwala na virgin pa siya.

At saka noon pa man, mula nang makita niya si Lex ay talagang in-love na siya rito. Masaya siya habang kasama ito. Naaalala niya nang pasukan ito ng hito sa pantalon noon. Tawa siya nang tawa sapagkat ipinababatak sa kanya ang pantalon para makuha ang hito. Kung nabatak niya ang pantalon ni Lex ay baka nakita niya ang itinatago nito. Baka mas malaki pa kaysa “hito”. At tila nga totoo sapagkat nasul­yapan niya kanina ang itinatago nito habang nasa tubig. Sa sobrang linaw ng tubig ay kitang-kita niya.

“Krema, halika na!’’

Nagulat siya sa tawag ni Lex.

Nagpasya siya. Nagtungo siya sa likod ng isang puno at naghubad. All the way. Hindi na siya nahihiya.

“Halika ka na, Krema!’’ Tawag ni Lex.

“Sandali lang!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with