NATAGPUAN sa Australia ang sinasabing pinakamala-king yapak na nagmula sa isang dinosaur at nadiskubre ito sa isang lugar doon na binansagang “Jurassic Park”.
Ang yapak na natagpuan ay gawa ng isang sauropod, na isang uri ng mga dambuhalang dinosaur na panay halaman lang ang kinakain.
Lubos na mas malaki ang yapak na ito kaysa sa ibang mga natagpuan na dati.
Sa haba nitong 5 feet, 9 inches ay higit na mas malaki ito sa yapak ng dinosaur na natagpuan sa Bolivia nito lamang nakaraang taon na may sukat na 3 feet at 9 inches.
Inakala nang marami na ang natagpuang yapak sa Bolivia na ang pinakamalaki sa buong mundo.
Ngunit isa lamang ang bagong tuklas na yapak sa mga nadiskubre sa Dampier Peninsula na tinaguriang “Jurassic Park” ng Australia.
Nasa 21 kasing yapak ng mga dinosaur ang natagpuan sa nasabing lugar at ang iba sa mga ito ay tinatayang 140 milyong taon na ang tanda.
Maari raw na ang kondisyon ng lupa at ang klima ng Dampier Peninsula ang dahilan kung bakit na-preserba ng maayos ang ganun karaming mga yapak ng dinosaurs, ayon kay Steve Salisbury na namuno sa ginawang pag-aaral sa lugar.
Idinagdag din ni Salisbury na hitik na hitik rin talaga sa iba’t ibang klaseng mga dino-saur ang lugar kaya mara-ming naiwang yapak doon.