Taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang isang insidente na kinasasangkutan ng anak ni Cebu City Mayor Tommy Osme?a na si Miguel.
Naungkat at kumalat muli ang usaping ito nang mag-post sa kanyang social media account si Ellen Adarna tungkol sa umano’y panghaharass sa kanila ng anak ng Mayor.
Nai-share niya ang artikulo na naglalaman na sinabi ni Mayor Osme?a na hindi espesyal ang mga tinawag niyang ‘spoiled brat’ na anak ng mga mayayamang pamilya sa Cebu.
Kahit na maging Ayala o Henry Sy ka pa kung gagawa ka ng krimen sa kanyang lugar ay hahabulin niya ito.
Nakapagbitiw ng ganitong mga salita at warning ang Mayor dahil sa nangyaring road rage na nagresulta sa pamamaril sa isang nurse.
Ang suspek ay nakilalang si David Lim Jr. na pamangkin ng umano’y drug lord na si Peter Lim.
Matatandaang nakuhanan ng video ang naging alitan sa trapiko at kasama pa ni David Lim ang kanyang gf nung mga panahong yun. Sinubukan siyang pigilan ngunit hindi ito nagpaawat at apat na beses na pinaputukan ang biktima. Sa hita at binti tinamaan ang biktima.
Lumabas na kaibigan ni Adarna si David Lim Jr. Umalma naman si Miguel sa post ni Adarna. Kung siya lang daw ang tinatarget ay ayos lang sa kanya pero nadamay pa ang kanyang ama.
Naikwento niya sa pamamagitan ng facebook account ng kanyang asawa ang nangyari noong 2009 kung saan iniwan umano ng mga ito ang kanyang asawa na walang malay sa isang bar.
Kinuwestiyon niya din ang ginawang pagsusumbong ng umano’y tinakoy o hinarass niya nung mga panahong yun na naghintay pa ng ilang araw bago nagsumbong sa mga pulis.
Nakaalis na daw siya ng bansa papuntang US nun at gustung-gusto niyang bumalik ngunit pinigilan lang siya ng ama. Pinayuhan na huwag niyang hayaang maapektuhan ang kanyang grades.
Kung totoong may katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya dapat ay nag-file na ang mga ito ng kaso laban sa kanya.
Mayaman man o mahirap dapat pagdating sa batas pantay-pantay ang lahat.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.