Patuloy pa rin ang mga kaguluhan sa bayan kong minamahal – ang Inang Pilipinas. Patuloy na niyayanig ng mga isyung pampulitika. Wala nang katahimikan at hindi magkasundo ang mga magkakalabang partido sa pulitika. At wala namang ibang talo sa labanang ito kundi ang mga mahihirap na katulad ko. Wala namang ibang kawawa sa pagkakataong ito kundi ang mga walang-wala at salat sa buhay.
Bakit ba hindi na lamang magkasundo ang mga magkakalaban sa pulitika para naman umusad na ang bayan. Bakit ba hindi magkaroon nang malamig na pag-uusap para malaman nang magkabilang panig ang kanilang mga saloobin at gustong mangyari sa mahal nating bayan.
Panahon na para magkasundo at magkaisa. Bigyan ng daan ang pag-unlad sa mahal na bayan. - JERRY MANLANGI, Asturias St. Sampaloc, Manila