SCOLIOSIS ang tawag kapag kumurba sa isang panig ng tagiliran ang gulugod (spine). Isa itong uri ng deformity sa gulugod. Puwede itong lumabas anytime sa panahon ng kabataan. Ang pagkurba ng spine ay maaa-ring congenital (mula pa nang ipinanganak), dahil sa trauma, o bilang compensation sa iba pang depektong struktural ng katawan. Kadalasan itong makikita sa mga adolescent na tumutubo ang buto hanggang sa mag-mature ang naturang buto. At bagamat nakikita ng scoliosis sa parehong babae at lalaki, walong beses na mas common ito sa mga adolescent na babae.
Puwedeng maghinalang may scoliosis kung mapapansing mas mataas ang balikat kaysa sa kabila, hindi pantay.
Mahalagang ma-diagnose nang maaga ang scoliosis para mas maganda ang recovery ng pasyente. Pagtuntong ng 10 taon ng bata, dapat ay ine-evaluate na ito para sa scoliosis.
Kung mild lamang ang pagkurba, wala halos nararamdamang discomfort ang pasyente. Kung gumagrabe ang pagkurba, nakakaranas ang pasyente ng problema sa paghinga, puso, at pangingirot na maaaring dulot ng pagkaipit ng nerves.
Kung moderate ang pagkurba, ang pasyente ay manga-ngailangang gumamit ng Milwaukee brace. Ang brace na ito ay yari sa plastic na may bahaging bakal at straps na leather, ginagamit mula sa leeg hanggang sa dakong balakang, isunusuot sa loob ng 23 oras sa maghapon. Kasabay nang paggamit nito ay ang mga ehersisyo para sa spinal at abdominal muscles. Karaniwang ginagamit ang brace sa loob ng isa hanggang dalawang taon (may readjustment kada ikatlong buwan). Kapag nag-mature na ang mga buto, mas maigsi na lamang ang panahon na gagamitin ang brace (kadalasa’y sa gabi).
Kung severe ang curvature, kailangang gawin ang operasyon. Dito, naglalagay tayo ng rod sa loob ng spine para ma-stabilize ang spine. Pagkatapos ng operasyon, naglalagay tayo ng cast na parang jacket sa taas na bahagi ng katawan (sa loob ng 6 na buwan).
Kung may scoliosis na nga, simulan na ang paggamit ng brace at nang hindi na lumala pa. Kumunsulta pa rin sa isang orthopedic specialist.