DINADAYO ngayon sa Crimea ang rebulto ng huling czar ng Russia na si Nicholas II matapos mapabalitang lumuluha ito.
Itinayo ang rebulto malapit sa prosecutor’s office sa Simferopol nito lamang 2016 o dalawang taon matapos agawin ng Russia ang Crimea mula sa kalapit-bansa nito na Ukraine.
Katulad ng iba pang naging czar ng Russia ay itinuturing na santo ng Russian Orthodox Church si Nicholas II.
Ito ang dahilan kung bakit dinarayo ang rebulto hindi lamang ng mga nag-uusyoso kundi pati na rin ng mga relihiyosong taga-Crimea.
Itinuring naman na milagro ng dating Crimean prose- cutor na si Natalia Poklonskaya ang pagluha ng rebulto lalo na’t nataon pa ito sa ika-100 anibersaryo ng pagbaba ni Nicholas II sa puwesto.
Naniniwala si Poklonskaya na ang pagluha ng rebulto ay senyales na binabantayan pa rin sila ng dating pinuno ng Russia.