^

Punto Mo

Rebulto ng huling Russian Czar sa Crimea, lumuluha diumano

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DINADAYO ngayon sa Crimea ang rebulto ng huling czar ng Russia na si Nicholas II matapos mapabalitang lumuluha ito.

Itinayo ang rebulto malapit sa prosecutor’s office sa Simferopol nito lamang 2016 o dalawang taon matapos agawin ng Russia ang Crimea mula sa kalapit-bansa nito na Ukraine.

Katulad ng iba pang naging czar ng Russia ay itinuturing na santo ng Russian Orthodox Church si Nicholas II.

Ito ang dahilan kung bakit dinarayo ang rebulto hindi lamang ng mga nag-uusyoso kundi pati na rin ng mga relihiyosong taga-Crimea.

Itinuring naman na milagro ng dating Crimean prose-  cutor na si Natalia Poklonskaya ang pagluha ng rebulto lalo na’t nataon pa ito sa ika-100 anibersaryo ng pagbaba ni Nicholas II sa puwesto.

Naniniwala si Poklonskaya na ang pagluha ng rebulto ay senyales na binabantayan pa rin sila ng dating pinuno ng Russia.

vuukle comment

REBULTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with