Paano iiwasan ang colon cancer?
MAY magagawa upang makaiwas sa pagkakaroon ng colon cancer.
Kapag tumuntong na sa edad 40, makatutulong ang pagpapasuri ng loob ng colon sa pamamagitan ng colonoscopy.
Isa itong procedure na sinisilip ang kaloob-looban ng colon upang malaman kung may kakaiba bang nagaganap dito.
Ang pag-inom ng aspirin sa loob ng 15 taon ay nagbababa ng panganib ng pagkakaroon ng colon cancer.
Ang aspirin ay sinasabing pumipigil sa paglago ng polyp (isang uri ng tumor sa colon na hindi naman cancerous) sa colon sa pamamagitan ng pagpapahinto sa produksyon ng ilang kemikal sa katawan. Ang naturang mga polyp ay hindi talaga cancerous pero may posibilidad na maging cancerous.
Parehong may bentahe at panganib ang pag-inom ng aspirin. Bagama’t ibinababa nito ang panganib ng colon cancer at atake sa puso, itinataas naman nito ang panganib ng stroke (hemo-rrhage type) at pagdurugo sa sikmura at bituka.
Kumunsulta muna sa doctor bago magsimulang uminom ng aspirin.
- Latest