^

Punto Mo

‘OLX, kasapakat ng dorobo o sadyang walang pakialam?’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANUMANG mga iniaalok online, laging kaakibat niyan ang panloloko.  

 Hindi naman sa sinisira ko ang mga online store online shop lalo na ang mga totoong lehitimo ang operasyon pero mas mabuti ng laging maging praning at paladuda.  

 Siguraduhin na ang inyong katransaksyon totoo ang identidad. Bisitahin ang kanilang outlet para makita nang personal ang kanilang mga produkto.

 Pero kung puro picture lang at kahit na video pa ang presentation nila sa kanilang mga inilalako, magduda ka na. Tapos sasabihin na ang paraan ng pagbabayad, idaan na lang sa remittance company. Tsk…tsk!  

 Isang klasikong halimbawa na matagal nang namimihasa sa kakapalan ng mukha ang “olx.ph” na sinasabi nilang sila ang Philippines’ #1 Buy and Sell Website.

 Sila na nga mismo hindi nakatitiyak na lahat ng mga naglalagay ng placement sa kanilang website matino at lehitimo. 

Gusto lang yata ng web developer o kung sinumang talpulanong may-ari ng site na kumita. Pera-pera lang. Di bale nang marami ang maloko basta araw-araw mayroong nakokolekta.

 Next time, OLX maglagay na kayo ng disclaimer. Lamang wala rin naman kayong pakialam sa mga naglalabas-masok sa website n’yo, mabuting magbigay na kayo ng babala.  

 Nalalagay pa tuloy kayo sa alanganin. Kasapakat at kakutsaba ba kayo ng mga kawatan at dorobo o sadyang wala lang talaga kayong pakialam?

 Ako na nga mismo si BITAG, modus buster nauumay at nasasawa na sa pagbibigay ng babala sa publiko sa mga online transactions pero marami pa rin ang mga naloloko.

 Noon pa paulit-ulit na all points bulletin ng BITAG at ng Kilos Pronto sa publiko ang social media ay palaruan ng mga kawatan.

 Puwede ka namang pumatol at sumugal wala namang nagbabawal. Pero dapat laging maging praning at paladuda sa lahat ng oras. Dahil hangga’t may manloloko, may maloloko.    

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

 

OLX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with