^

Punto Mo

‘Mali ka, Cong. Umali!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG mandarambong at mamamatay-tao pareho lang ang likaw ng bituka.    Pareho kung mag-isip. Walang pinagkaiba. Pareho ang kanilang pagnanasa.   

 Pagnanasang gumawa ng krimen, pumatay, manghalay at pagnanasang mangulimbat sa kaban ng bayan. Napupukaw at nagigising lang kapag nakahanap ng oportunidad.    

 Kaistupiduhan ang sinabi ni Oriental Mindoro Cong. Reynaldo Umali sa media. Ang mga plunderer daw pwede pang ma-reform. Ang mga kriminal, wala na raw pag-asang magbago.    

 Hindi ko alam kung saan hinugot ng kenkoy na mambabatas na ito ang kaniyang mga ‘yak-yak.’ Siguro sa anumang kadahilanan, nasabi niya ‘yun dahil marami siyang mga katsokaran na unang-unang masasampolan.  

 Ang mga mandarambong malikhain at matatalino sa kanilang katarantaduhan sa pagnanakaw sa pera ng taumbayan. Iba sa kanila mga nakabarong. Wala silang ibang ginawa kundi ma-ngulimbat.     

 ‘Yung mga kriminal kadalasan ‘yun ‘yung mga maliliit na tao dahil walang mailaman sa kanilang mga nangangalam na sikmura.  

 Ang kahirapan at kriminalidad hindi pwedeng maghiwalay. Kung may kahirapan mataas ang krimen. Kung mataas ang kahirapan ibig sabihin maraming mandarambong.   

 Tama si Umali, hindi mamamatay-tao ang mga plunderer, pero unti-unti naman nilang pinapatay ang taumbayan dahil ang mga pondong dapat para sa kanila, ninanakaw.            

 Kaya dapat lang talagang maibalik na ang death penalty. Ihanay na rin kasama ng mga mandarambong na dapat hatulan ng bitay ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at mga gambling lord.

Alam ko maraming magagalit sa akin sa pagpabor ko sa parusang bitay. Wala akong pakialam!       

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

REYNALDO UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with