^

Punto Mo

Libro sa nurse at health workers

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

HINDI biro ang pang-araw-araw na gawain ng ating mga nars, doktor at health workers. Lalo na kapag may epidemya, nakataya ang kanilang mga buhay. Puwede silang mahawa sa maraming sakit tulad ng tuberculosis, pulmonya, hepatitis B at swine flu.

Bukod sa peligro sa trabaho, kailangan nilang mag-aral nang matagal at magbasa nang maraming libro. Ang problema lang ay karamihan ng libro ay gawa sa ibang bansa at medyo hindi angkop ang gamot at laboratory tests na itinuturo rito.

Dito makatutulong ang librong gawa ng Pinoy na doktor at nars.

Medicine Blue Book

Ang librong Medicine Blue Book ay nasa 11 edition na (11th Edition) at isinulat ng mga tanyag na Pilipinong doktor at nars. Kasama rito ang mga PGH specialist doctors tulad nina Dr. Camilo Roa, Dr. Elizabeth Montemayor, Dr. Cecilia Montalban, Dr. Clemente Amante, Dr. Kenneth Hartigan-Go, Dr. Carlos Chua, Dr. Virgilio Banez, Dr. Noemi Pestano, at iba pa. Ang nursing chapter naman ay sinulat ni Nurse Rhoda Redulla na dating propesor sa nursing.

Kaya kung ika’y nag-aaral ng nursing, nasa librong ito ang tips tungkol sa mga sakit at gamutan. At simpleng-simple lang ang pagkasulat. Tinatalakay dito ang mga sakit sa puso, sakit sa baga, sakit sa tiyan, arthritis at marami pang iba.

Sa Medicine Blue Book, puro pang-Pinoy lang ang nakasulat. Lahat ng laboratory tests at gamot dito ay nabibili sa Pilipinas. Nakalista rin dito ang mga mura at epektibong brand names ng mga gamot, para makatulong sa mga pasyente.

Payo sa nutrisyon

May dagdag pang Nutrition chapter ang Medicine Blue Book kung saan nakasaad ang mga pagkaing dapat iwasan at dapat kainin ng mga pasyente. May Food List o lista ng diyeta para sa mga may diabetes, sakit sa bato, arthritis, mataas ang kolesterol, nagpapapayat at para rin sa gustong tumaba.

Mabibili ang Medicine Blue Book sa National Bookstores.

Good luck po!

vuukle comment

MEDICINE BLUE BOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with