Ang gamot sa sakit ng Hari
MAY isang hari na may malubha at mahiwagang sakit. Ang lahat ng mga doktor ay sumubok na pagalingin siya ngunit na-bigo. Sa wakas, isang banal at iginagalang na spiritual healer ang dumating sa palasyo at nagprisintang gagamutin niya ang hari.
Holy man, parang awa mo na, gamutin mo ang aking sakit. Ako ay matagal nang pinahihirapan ng aking sakit.
Mabilis lang gamutin ang iyong sakit Mahal na Hari. Hanapin mo ang pinakamasayang tao dito sa iyong kaharian. Hingin mo ang suot niyang damit at ‘yun ang iyong gamitin tuwing ikaw ay matutulog. Kailangang gamitin mo iyon sa loob lang ng isang buwan at ikaw ay gagaling na.
Natagpuan naman ang pinakamasayang tao, na isang lalaki, ngunit ang problema, wala pala itong damit. Nakahubad lang siya at hindi nagsusuot ng damit kahit kailan. Ang naisip na solusyon ng Holy man ay dalhin na lang ang lalaki sa palasyo.
Mahal na Hari, ang lalaki ay walang pag-aaring damit kaya itabi mo na lang siya sa iyong higaan, suhestiyon ng Holy man
Ganoon nga ang nangyari. Isang buwang magkatabi sa higaan ang lalaki at Mahal na Hari. Wala pang isang buwan ay gumaling na ang hari. Naging masayahin na rin ito. Ang pananakit ng kanyang katawan ay nabura nang lahat simula nang matuto siyang humalakhak.
Ang paliwanag ng Holy Man: Ang sakit ng Hari ay depresyon. Nahawa siya sa pagiging masayahin ng lalaki kaya nabura ang pananakit ng kanyang katawan. Ang lalaki ay walang anumang kayamanan, ultimong damit ay wala siya ngunit maligaya sa kanyang buhay. Samantalang ang hari na hindi mabilang ang kayamanan ay puno ng kalungkutan. Nagpapatunay lang na ang kaligayahan ay wala sa kayamanan kundi nasa saloobin mo sa buhay.
Material possesion alone do not bring happiness. The more you accumulate, the greater would be the problem.
- Latest