Ano ang gagawin kapag may pasa sa katawan
NAGKAKAROON ng pasa ang ating katawan kapag ang ugat sa ilalim ng balat ay sumabog o pumutok. Sumisiksik ang dugong lumabas sa ugat sa mga katabing tissue, at ito ang nagdudulot ng pangingitim o pangangasul ng balat. “Bruise” kung tawagin natin ang mga pasang ito.
Lumalabas ang mga pasa kapag tayo ay nabunggo, bumagsak, nahulog, o nasuntok. Minsa nga, kahit ang pagkuha ng dugo sa braso ng mga med tech ay nag-iiwan din ng pasa. Ang mga taong umiinom ng aspirin (‘yung mga taong may alta presyon at ayaw magka-stroke) ay madaling magpasa.
Ang “black eye” ay isang klase ng pasa. Kung nagka-black eye ka, lagyan agad ng yelo ang paligid ng mata at inspeksyunin ang mata kung may pagdurugo dito. Kung may pagbabago sa iyong paningin, o kung hindi mo maigalaw ang mata sa iba’t ibang direksyon, magpakonsulta na.
Ano ang mga puwedeng gawin sakaling magkaroon tayo ng mga pasa?
Maglagay ng yelo o cold compress sa apektadong lugar sa loob ng 0 minuto kada 1-2 oras. Gawin ito sa loob ng dalawang araw para matulungan natin ang ating mga ugat na kumitid at mabawasan ng pamamaga.
Kung posible, iangat ang area ng katawan na may pasa sa taas ng iyong puso. Mababawasan ang dugo sa area na may pasa.
Ipahinga ang kamay o paang may pasa para hindi na ito maabuso pa
Kung masakit pa rin ang pasa makalipas ang 48 oras, maglagay ng warm compress, bote na may mainit na tubig, o heating pad sa apektadong bahagi.
Kailan dapat mag-alala at magpakunsulta?
Kapag may mga senyal na ng impeksyon gaya ng matin-ding pangingirot, pamamaga, pamumula
Kung may kasamang paglalagnat ang pagpapasa, at walang matukoy na dahilan para sa lagnat
Kapag tumitindi ang kirot habang nagtatagal o kung hindi mo na talaga maigalaw pa ang apektadong bahagi.
Kung lagi ka na lamang nagpapasa o kung paulit-ulit ang pagkakaroon mo ng di-maipaliwanag na pagpapasa (ibig sabihin, hindi Naman nasaktan, nabugbog, nahulog, o nabunggo)
Kung nakaramdam ng matinding kirot sa mismong bola ng mata kaysa sa eye socket o sa butong nakapaligid sa mata.
- Latest