Bakit mainam uminom ng mainit na tubig?

Kapag uminom ng mainit, ang temperature ng katawan ay tataas kaya ang tendency ay lalabas ang pawis. Sa paglabas ng pawis, ang katawan ay magiginhawahan.

Sa pamamagitan ng pagpapawis, ang toxins ay lumalabas sa katawan kaya nalilinis ang blood stream.

Maraming toxins ang tumatapon palabas ng katawan sa pamamagitan ng pagpapawis.

Natatanggal ang namumuong “deposits” sa nervous system na nagiging sanhi ng  negatibong emosyon at pag-iisip.

Kapag natanggal ang “deposits”, magiging balanse na ang emotional state ng isang tao.

 Kapag hinaluan ng lemon at honey ang iinuming mainit na tubig, ito ay magpapalakas sa immune system.

Ang pag-inom sa umaga ng mainit na tubig bago kumain ng almusal ay makakatulong upang mamatay ang bad bacteria sa lalamunan at bituka. Idagdag pa rito, manunumbalik ang nawalang “moisture” sa katawan habang natutulog sa magdamag.

Nililinis ng mainit na tubig ang bituka kaya nagi-ging mabilis ang pagtunaw sa pagkain at naiiwasan ang constipation.

Show comments