Kupas na tulain

Pagtula ko ngayon ay parang kupas na

dahil sa mahabang panahong nawala

Hindi makamit ang daling ligaya

na noong kabataan ay laging kasama!

 

Kahit pagbalikan ang batang kahapon

ayaw nang magbalik sa diwa ngayon;

Malakas na hangin na nagdaan noon

naging mga bagyong sa bansa’y nagbaon!

Show comments