^

Punto Mo

Giyera sa illegal gambling kakayanin ba?

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MATAPOS ang maigting na kampanya sa illegal drugs, ang giyera naman daw sa ille­gal gambling ang tututukan ng gobyerno.

Masasabing may inisyal na tagumpay sa kampanya laban sa illegal drugs dahil totoong nabawasan ang pakalat-kalat na mga drug addict sa kalsada na madalas gumawa ng mga krimen.

Pero isang malaking tanong ay kakayanin ba na ibagsak ang mga kilalang gambling operator lalo na ang iligal na jueteng.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may isang pamilya sa Central Luzon ang matagal ng inaakusahan na nangungunang gambling o jueteng lord.

Nakapuwesto na rin sa gobyerno at nagkamal nang mara-ming pera dahil sa jueteng at napakarami ng mga ari-arian kabilang na ang mga gusali at golf course na bilyong piso ang halaga.

Pera na ang pinag-uusapan sa jueteng operations at mara-ming pulitiko at mga opisyal ng PNP ang napapabalitang nakikinabang sa jueteng money.

Magsasagawa raw ng “Oplan Tokhang’’ ang PNP sa mga hinihinalang gambling operator kahalintulad ng sistema sa kampanya laban sa illegal drugs.

Pero kakaiba ito dahil ang gambling lords na nais i-tokhang ay nakatira sa mga mansiyon na bago makapasok ang mga pulis ay may pipigil na guwardiya at mayroon pang personal bodyguards na de baril.

Samantalang sa mga hinihinalang drug addict o drug pusher ay mabilis na matokhang dahil nakatira ito sa mga lugar na mahihirap na sinuman ay puwedeng makapasok at walang sasalubong na guwardiya o bodyguards.

Abangan natin kung anong diskarte ang gagawin ng PNP sa giyera laban sa illegal gambling o matulad din sa mga nakaraang administrasyon bigo at nanahimik na lang sa kampanya dahil hindi kayang banggain ang napakala-king protection money na pinakikinabangan ng mga opisyal ng gobyerno.

 

GIYERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with