^

Punto Mo

10 Katotohanan ng Buhay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1—Marami ang umaaming nagkamali sila pero kaunti lang ang marunong mag-sorry.

2—Kung may time para mag-worry, sana may time rin para mag-pray.

3—Kahit lagi kong nababasa sa mga horoscope articles na ang Sagittarian ay mahilig sa sports, napapatigil pa rin ako at nag-iisip. Kasi wala akong hilig sa sports. ‘Yun P.E. ko na volleyball, tres lang ang grade ko doon dahil tuwing titirahin ko ang bola, hindi ko man lang ito mapaabot hanggang  sa net…and I’m a Sagittarian.

4—Minsan hindi ko rin maintindihan itong gawaing pag-idlip sa tanghali. Kung minsan, totoo itong nakaka-refresh ng feeling. Pero madalas, paggising ko ay masusuka ako o kaya masama ang pakiramdam kaya nagsisisi lang ako kung bakit pa umidlip.

5—Bad manghusga ng kapwa. Alam ko yan, matagal na. Pero mabilis akong manghusga: Sa taong sinundan kong gumamit ng toilet, pero hindi nag-flush ng toilet kahit in good condition ang flush at water supply.

6—It’s okey na hindi ako gusto ng ibang tao. Ang mahalaga, mahal ko ang sarili ko. Lucky me, dahil ‘yung ibang tao, hindi nila gusto ang kanilang sarili.

7—Ikaw ay isang ina kung naghahangad ka na mapag-isa paminsan-minsan pero kapag nag-iisa ka na…bigla mong mami-miss ang iyong kids. Gusto mo silang pauwiin agad-agad.

8—Wish ko lang: Kasingbilis ng pagtaba ang pagpapapayat.

9—Ang best seven doctors na hindi naniningil nang mahal: sunshine, water, rest, air, exercise, diet, laughter.

10—‘Yun awkward moment na nag-iisa ka sa bahay, may letter na dumating at kailangan mong lumabas dahil may pipirmahan ka pa. Pero hindi ka agad makalabas dahil nakasando ka at walang bra. Bigla mong hinagip ang isang towel para ipangtakip ng iyong katawan. Pagkaalis ng postman, saka mo malalanghap na mabaho ang towel. Yun pala basahan iyon ng paa.

vuukle comment

SAGITTARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with