^

Punto Mo

EDITORYAL - Iwas paputok, iwas trahedya, iwas gastos

Pang-masa
EDITORYAL - Iwas paputok, iwas trahedya, iwas gastos

DALAWANG bagay ang mapapakinabang kung iiwasan ang paputok ngayong magpapalit ang taon. Una ay iwas sa disgrasya at ikalawa ay iwas sa gastos.

Kahapon, umabot na sa 90 ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasugatan dahil sa paputok. Karamihan sa mga nasugatan ay mga bata dahil sa pagpapaputok ng piccolo. Inaasahang darami pa ang mga masusugatan ngayong araw na ito, bisperas ng bagong taon. Maraming maglalatag ng goodbye de lima, judas belt, sawa, crying lady at iba pang mala-lakas na paputok sa kalsada para sa pagdiriwang ng bagong taon. Pero sa halip na masaya ang pagdiriwang, trahedya ang sinapit sapagkat nasabugan ang isa sa mga nagsindi ng paputok. Naputulan ng daliri.

Kahapon, dumagsa ang mga bumibili ng paputok sa Bocaue, Bulacan. Namakyaw nang malalakas na paputok. Ilang rolyo ng sawa at judas belt ang kanilang binili at ikinarga sa kanilang sasakyan. Ilang libong piso ang ginastos nila sa paputok. Talagang sinagad na ang paggastos sapagkat para sa kanila, minsan lamang ito sa isang taon. Isa pa, tradisyon na nila na magpaputok kapag naghihiwalay ang taon. Para raw maakit ang suwerte. Ang iba ay para raw itaboy ang malas. Babalik din naman daw ang ginastos sa paputok sapagkat dadagsa ang suwerte pagpasok ng bagong taon.

Nagpaalala ang Ecowaste Coalition sa mamamayan kamakalawa na huwag gastusan ang paputok sapagkat pagsasayang lamang ito ng pera at walang mapapala rito kundi injury. Huwag daw hayaang ang perang pinagpaguran ay masayang lang sa paputok. Ang Ecowaste ay katulong ng DOH sa pagpo-promote ng “injury-free” sa pagdiriwang ng bagong taon.

Umiwas sa paputok. Kapag umiwas dito, makakaiwas sa disgrasya at makakaiwas sa gastos. Sana matuto na ang lahat sa mga nakaraang pagdiriwang ng Bagong Taon.

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with