SINA GMA, Ben Abalos, Elenita Binay, JV Ejercito, Gatchalian at iba pa ay pinawalang sala ng Sandiganbayan at Ombudsman sa mga kasong graft and corruption. Bagamat ang iba ay nadismaya, pinagtibay na ng kautusan na bagama’t may probabilidad na dahilan ang akusasyon sa mga nabanggit na mga opisyales, mahina naman ang mga ebidensiya na naiprisinta ng mga nagsakdal. Ipinagpilitan ng mga akusado na politically motivated ang mga kaso na isinampa laban sa kanila.
Meron ding kaparehong kaso sina Sen. Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na kinakaharap at nililitis pa na may kaugnayan sa DAP at PDAF na nakapaloob sa kaso ni Janet Napoles, ang queen of sensational scams.
Matatandaan na may 20 senador at 100 congressmen ang nasangkot sa maanomalyang DAP at PDAF ni Janet Napoles, ngunit tanging sina Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang naipakulong pansamantala. Ano kaya ang kahihinatnan ng mga akusado na ngayon ay kaanib ng partido ng administrasyon makatulong kaya? Kahit mas mababa sa P50 milyon na pamantayan ng kasong plunder ang kinakasangkutan ng mga akusado kaya hindi sila nakukulong pero, nararapat din itong panagutan sa kapantay na parusa dahil pera ito ng bayan.
Kung ang iba ay dumadaan na sa paglilitis, napakabagal naman ng usad nito. Dahil kaya kaanib sila noon sa partido politikal ni P-Noy? Kapansin-pansin kasi na puro hindi kapartido ng administrasyon ni P-Noy ang nilitis at nakulong! It’s nauseous!
Kaya marahil nahihirapan si President Duterte na mai-patupad ang no corruption policy dahil nakalundag na ang marami sa mga congressmen at senators sa kanilang partido PDP-LABAN na ang iba ay may kinakaharap na kaso ng graft and corruption at malamang na makinabang pang muli.
Naghihinala tuloy ang mamamayan na ang konkretong dahilan ng mga naglundagan sa partido ng administrasyon ng PDP-LABAN ng mga dating Liberal Party pagkatapos makapanumpa si Duterte, at ang iba bagama’t hindi lumipat ay ginusto na nasa majority bloc sila makakuha ng chairmanship sa magagandang komite na may magandang benepisyo at maging proteksyon sa kanilang mga atraso na maaring ibalibag sa kanila. delectamentum!
Marami ng beses sinabi ni Pang. Duterte na hindi naman siya nakakuha ng suporta sa mga kongresista at senador noong tumakbo siya bilang pangulo pero, ipinagkibit-balikat lamang ito ng mga tinatamaan ng sumbat ng katotohanan. Bakit nga ba nakayakap sila sa kapangyarihan ng administrasyon? In aid of appropriation and accommodations kaya? What else?
Kung totoo ang pahayag ni Sen. Ping Lacson na may mga naisingit na pork barrel sa 2017 National Budget para sa mga congressmen at senators, maaari itong makaantala sa mariing plano ng pangulo na corruption free Philippines! God Bless and Happy New Year to everyone!
BAKAS sa UNTv Radio 1350 Khz AM band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph