Kapag tayo ay nananalamin, pinapaniwala tayo ng ating utak na tayo ay 5 times na mas maganda o pogi kumpara sa aktuwal na katotohanan.
Kung ang napangasawa mo ay iyong childhood friend, mas maliit ang tsansa na magkahiwalay kayo.
Mas malaki ang tsansa na magkagustuhan ang dalawang tao kung lagi silang magkasama. Kaya ang payo ng mga psychololgists, mas mainam na personal mong ligawan ang isang babae kaysa i-text siya o tawagan.
Test para malaman kung attracted sa iyo ang isang tao: Sa direksiyon mo siya nakahilig o nakatagilid habang nakikipag-usap sa iyo pero kung hindi, sa kabilang direksiyon nakahilig ang kanyang katawan.
Kapag in love, hindi nakikita ang mga kamalian ng iyong mahal. Ito ang dahilan kung bakit napakahirap maki-paghiwalay sa isang tao kahit sinasaktan ka nito, pisikal man o emosyunal.
Pinabababa ng lalaki ang kanyang boses kapag ang kausap niya ay kanyang crush.
Ang mga babaeng mataas ang pagtingin sa kanilang ama ay nagiging mabuting girlfriend sa kanilang boyfriend.
Ang self-confidence ay nagdudulot ng magandang skin.
Posibleng magmahal ng dalawang tao ngunit magkaiba ng level.
Average na 17 months at 26 days ang itinatagal bago makalimutan ang “ex”.