^

Punto Mo

Remedyo sa rayuma

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

WALANG gustong magkaroon ng rayuma sa pagtanda. Pero kung nasa lahi n’yo ito, nandun ang posibilidad na magkaroon din kayo nito. Natatandaan ko na ang lola ko sa mother side ay nagkaroon din ng rayuma. At nakita ko kung paano siya pinahirapan ng rayuma.

Totoo na hindi natin maiiwasang magkaroon ng rayuma. Pero may magagawa naman upang mabawasan o maiwasan ang rayuma. Ito ang ilang paraan:

Subukang baguhin ang ilang aktibidad na nagdudulot ng discomfort.

Ugaliing mag-ehersisyo nang regular. Pinalalakas ng pag-eehersisyo ang mga masel na nakapalibot sa joints. Kung matibay ang mga masel na nandun, maaalalayang mabuti ang joint at mababawasan ang pagkasirang dulot ng fatigue. Kung posible, gawin ang mga stretching exercises.

Kung nakakaranas ka ng pananakit o discomfort sa likod, balakang, tuhod, o paa, makatutulong nang malaki kung babawasan ang timbang.

Makatutulong ang paliligo ng maligamgam na tubig para mapawi ang paninigas ng joints sa umaga.

Kung hindi naman maga ang joints, maglagay ng pinainitang bimpo o tuwalya sa naturang joint sa loob ng kalahating oras, dalawa hanggang tatlong beses maghapon. Kung magang-maga ang joint, huwag gawin ito.

Maingat na igalaw ang mga joints araw-araw o paikutin ang joints hanggang sa makakaya nito para hindi manigas ang mga bahaging apektado.

Kung may nananakit na joint, matutong ipahinga itong pansamantala. Dalasan ang oras ng pamamahinga sa maghapon. Kailangan ito ng mga joints mo upang magpanibagong-sigla.

Maglagay ng bolsa de yelo sa namamagang joint sa loob ng 10 minuto, minsan sa isang oras. Makatutulong ito upang mabawasan ang kirot at pamamaga (medyo uncomfortable lang ito sa una)

Subukan ang mga tinatawag na low-impact activities gaya ng paglangoy, pagbibisikleta at paglalakad.

Makatutulong ang aspirin, ibuprofen, naproxen sodium, at ketoprofen para mawala ang kirot pero hindi ito dapat inumin ng walang laman ang tiyan sapagkat naka-kagasgas ng sikmura.

Kumunsulta na sa doktor ang nirarayuma kapag:

Kapag may lagnat o rash sa balat na may kasamang matinding pananakit ng joint.

Kapag hindi mo na magamit ang joint dahil sa tindi ng kirot.

Kapag matindi ang kirot at pamamaga sa maraming joints.

Kapag umaabot na sa 6 na lingo ang pananakit ng joint at wala ng magawang remedyo ang mga gamot sa bahay.

Kapag nagkaroon ng komplikasyon sa mga iniinom na gamot kontra-rayuma. Hal. Dumumi ng itim at maamoy na pupu, pagduduwal, o pananakit ng sikmura.

Kapag nakaranas ng matinding pananakit ng likod na may kaakibat na paghina ng hita o pagkawala ng kontrol sa pagdumi o pag-ihi.

RAYUMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with