^

Punto Mo

Serye ng kilos-protesta asahan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Asahan na ang pagsasagawa ng  mga anti-Marcos rally sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil nga sa naganap na biglaan at palihim na paglilibing sa bangkay ng dating Pangulo Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi nga ba’t matapos ang biglaang paglilibing noong Biyernes ng tanghali, aba’y umarangkada na ang mga kilos-protesta sa iba’t ibang lugar.

Dahil nga sa mga kaganapang ito, nakaalerto ang PNP , para  mapanatili ang peace and order.

Wala naman umanong magiging problema sa anumang mga pinaplanong mga kilos protesta ang mga anti- Marcos, lalu pa nga at maging si Pangulong Digong ay nagsabi na hindi nila pinipigilan ang ganitong pagpapakita ng saloobin ng bawat isa.

Gayunman, may panawagan na rin ang pulisya sa mga magkikilos-protesta na isagawa ito sa maayos at mapayapang paraan.

Hindi umano dapat na maging bayolente  o pagsimulan ng kaguluhan bagamat maximum tolerance pa rin ang kanilang ipaiiral.

Banta ng mga magkikilos protesta isang malaking rali ang kanilang gagawin lalu na nga pag-uwi ni Pangulong Digong sa bansa buhat sa APEC meeting sa Peru.

Ayon nga sa NCRPO ipapatupad din nila ang full force ng batas kung magiging bayolente ang magiging kilos- protesta.

Kailangan fin umanong mabantayan ng mga grupong magsasagawa ng rali ang kanilang hanay para sa mapayapa g pagpaparating ng kanilang hinaing.

Maging sa mga lugar na pagdatausan ng mga kilos protesta ay dapat sa mga itinakdang lugar.

Maaari umanong magtakda ng mga freefom park ang mga alkalde para saga magkikilos protesta dahil bibigyang pansin din dito ma huwag makasagabal sa  daloy ng trapiko.

Umaasa tayong anumang mga pagkilos ang itinatkdang isagawa ay magigingaayos at walang magaganap na pagkakasakitan.

Hangad pa ton nating lahat na mapanatili ang peace and order sa mga gagawing pagpapahayag ng mga saloobin ng ating mga kababayan.

vuukle comment

ANTI-MARCOS RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with