^

Punto Mo

‘Alindog ng Pinay na Ms. U’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

HUBAD, nakaluhod sa isang sofa bed at tinatakpan lang ng kanyang hita at braso ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi kami para magmalinis o mag-moralize dahil ang posing ni Janine Tugonon ay hindi malaswa ang dating. Karamihan sa mga litratong lumabas ay ‘artistic’ ang pagkakakuha. May ka-sabihan nga na ‘if you have it, flaunt it!’

Binigyan siya ng talaga namang napakagandang katawan at kung sa kanyang ethical standard ay walang mali ang ginawa niya naman ay makakaklasipika na non-victim crime. Para sa akin walang masama at magandang tingnan.

Mula sa mundo ng pagandahan at konserbatibong mga kilos ay napunta sa paseksihan at pag-rampa na ang suot ay bikini.

Nakilala natin si Janine Tugonon nang maging pambato siya ng Pilipinas noong 2012 sa Miss Universe.

Kadalasan pumapasok sa industriya ng showbiz ang katulad niyang ‘beauty queen’ pero mas pinili niya na makilala sa ibang bansa.

Nagpunta ng America si Tugonon at dun ay naging parte siya ng commercial ng Victoria’s Secret Pink.

Nagpose din siya ng nakahubad  para sa Nu Muses para maging calendar girl. Isa siya sa labing dalawang babae na napili ng mga Judges para sa proyektong ito ng Treats Magazine.

Ito daw ay ginawa nila para ipagdiwang ang ‘uncensored beauty of the naked body’.

Hindi daw akalain ni Tugonon na mapipili siya sa proyektong ito dahil akala niya ay hindi maganda ang kanyang ginawa. Dagdag pa niya hindi raw kasi maganda ang araw niya nung panahong yun.

Makakatanggap ng $10,000 ang bawat isang napili at kukunan ng nude photos sa isang eksklusibong lugar.

Lilipad din papuntang Miami ang mga nanalo para sa VIP launch ng event na gaganapin sa Art Basel.

Nauna nang naipahayag ni Tugonon na nais niyang maging bahagi ng Victoria’s Secret Angels.

Kung titingnan mo malayong-malayo ang imahe ngayon ni Tugonon kumpara sa imahe niya nung panahon ng Miss Universe.

Gusto niyang makilala sa buong mundo sa larangan ng modelling at sa pag-arte. Sana rin daw ay maging bahagi siya ng ilang Hollywood Films.

Dasal niya din na sana ay ito na ang simula ng kanyang magandang career sa larangang gusto niya.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

***Tinatawagan din namin ng pansin ang Paramount Life and General Insurance Corporation tungkol sa kanilang kliyente na si Gerardo C. Bonifacio ng Subic, Zambales na may numerong 09206183290. Ngayon ay nangangailangan siya ng inyong tulong at baka naman pwedeng mabigyan ng humanitarian consideration.

TONY CALVENTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with