NAPATUNAYAN na naman na hindi totoo ang pagyayabang ni Chief Supt. Eliseo Rasco, ang deputy chief ng CIDG, na walang nagbabasa ng PM Pang-Masa. Nang maiparating kasi kay Rasco na naging topic siya at si alyas Baby M., ang bagman ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang pulis na isinangkot ni Digong sa droga, sa Supalpal ang sabi ng una ay hindi niya pinapansin dahil wala namang nagbabasa ng PM. Subalit nitong nakaraang araw, sumulat sa opisina si Army ret. Col. Jose Caringal, na kasama sa expose’ ko tungkol sa tong collection ng PMA Class ’86 sa pasugalan sa bansa, at inamin niya na nabasa sa PM issue noong Oct. 5 at 10 ang Supalpal. Kaya maliwanag na may nagbabasa ng PM, di ba mga kosa? Kaya mali ang tinuran ni Rasco na walang pumapansin sa PM. Hehehe! Get’s n’yo mga kosa?
Sa totoo lang, ang binanggit ko na sangkot sa tong collection ng PMA Class ’86 ay si alyas Jojo Caringal, subalit pumiyok si Col. Caringal at nag-deny to death na nakinabang o protektor siya sa pasugalan. Ayon pa kay Caringal, ang pag-link sa kanya sa pasugalan ay sumira sa kanyang reputasyon at pangalan “that I diligently built in my long years of service in the Armed Forces of the Philippines (AFP) as an officer of the Philippine Army since the time that I graduated from the Philippine Military Academy in 1986.” Ayon pa kay Col. Caringal, naapektuhan din ang kanyang pamilya sa unfair at libelous reports or commentaries. Hiniling pa ni Col. Caringal na mahinto na ang pagdawit ng pangalan n’ya sa tong collection activities ng mga miyembro ng PMA Class ’86 sa pasugalan. Boom Panes! Hehehe! May punto si Col. Caringal dito ah!
Subalit mukhang barking up a wrong tree si Caringal. Hindi dapat ang Supalpal ang puntiryahin niya kundi ang tong collectors at gambling lords na isinisigaw ang pangalan niya sa tong collection. Hindi naman kasi uusok ang pangalan ni Caringal kung hindi siya isinigaw ng tong collectors na sina Don Ramon Preza, Boyet Kalabaw, Suwebe Sapitula at JR Magkalas, di ba mga kosa? Sa totoo lang, hindi ko naman naamoy ang pangalan ni Caringal sa dalawang beses na pagpalit ng tong collector ng opisina ni CIDG director Chief Supt. Roel Obusan. Subalit sa pangatlong pagbalik ni Baby M. bilang tong collector ng CIDG, biglang may lalaking nagtatawag sa tong collectors at gambling lords at nagpakilalang si Jojo Caringal at siya na ang bagong tangga ng opisina ni Obusan. Kung itong si Jojo at Jose Caringal ay iisa, aba kayo na ang maghusga sa kanya mga kosa. Punyeta! Baka may gumagamit ng pangalan ni Col. Caringal ah!
Kung nais namang habulin ni Col. Caringal ang mga taong gumagamit ng pangalan niya, aba madali lang dahil puwede siyang humingi ng tulong sa kapatid na si ret. Gen. Jaime Caringal, na kilala ko bilang isang no-nonsense police officer. Dating hepe ng Intelligence Group (IG) ng PNP si Gen. Caringal kaya puwedeng lapitan ng kapatid ang mga dating tauhan niya para maarok at mahuli ang mga gumagamit ng pangalan niya sa tong collection. Kaklase rin ni Jose ang kasalukuyang IG director na si Chief Supt. Charlo Collado, si Obusan, si NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde at si PRO4-A director Chief Supt. Valfrie Tabian at hindi siya tatanggihan kung humingi ng tulong para malinis ang kanyang pangalan, di ba mga kosa? Kung hindi pa siya kuntento sa apat, aba puwede ring lapitan ni Col. Caringal ang mistah niya na si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at hindi siya pababayaan nito, di ba mga kosa? Hayan! Sa tingin ko, isang araw lang ay may kasagutan na si Col. Caringal ukol sa sumisira ng kanyang pangalan. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Tanungin natin nang Alright Sir si Col. Caringal kung talagang hindi siya sangkot sa tong collection ng CIDG sa pasugalan. Sa hanay ng PMA kasi mga kosa, kailangang sumagot si Col. Caringal ng Alright Sir bilang senyales na nagsasabi siya ng katotohanan. Hintayin natin ang kasagutan ni Col. Caringal mga kosa. Tumpak! Teka nga pala! May kinalaman kaya ang kaibigan kong si Perry Mariano sa sulat ni Col. Caringal? Abangan!