Survey expert na nagsabing hindi mananalo si Trump, kumain ng kulisap sa harap ng kamera

HINDI lamang ang kanyang mga salita ang kinailangang kainin ng survey expert na si Sam Wang matapos manalo si Donald Trump sa katatapos na US elections. ‘

Kumain din kasi siya ng kulisap matapos niyang ipangako na gagawin niya ito noong Oktubre depende sa magiging resulta ng botohan.

Kampanteng-kampante si Wang, na isang professor sa Prin-ceton University, na matatambakan ni Hillary Clinton si Trump kaya nag-post siya sa kanyang social media account noong Oktubre 18 na kakain siya ng kulisap kung makakakuha si Trump ng higit sa 240 boto sa electoral college.

Alam na ng lahat na hindi lamang nahigitan ni Trump ang nasabing numero matapos siyang makakuha ng 290 na boto kundi nanalo pa siya upang maging susunod na Presidente ng US.

May isang salita naman si Wang dahil kaagad siyang lumabas sa isang news channel upang tuparin ang kanyang pangako.

Sa harap ng kamera, kinain niya ang isang kutsarang “gourmet” na kuliglig na kanyang hinaluan ng honey.

Tanggap naman ni Wang na nagkamali siya sa kanyang prediksyon katulad nang marami sa mga isinagawang survey bago ang eleksyon.

Show comments