100 payo ng centenarians
(Part 3)
…para magkaroon ng happy, healthy and long life kagaya nila:
33. Kung hindi ka masaya sa kinaroroonan mo, lumipat ka ng tirahan. Hindi ka puno na nakatanim lang sa isang lugar.
34. Kung dalawa lang ang pagpipilian: Piliin mong tawagin kang magandang unggoy kaysa pangit na tao.
35. Kung ikaw ay matanda na at maraming nararamdamang sakit, puwede nang panindigan ang kasabihang: E, ano kung tamad, hindi naman pagod!
36. Eat it, don’t tweet it. Parinig sa mga kabataang mas inuuna ang pagkuha ng photo, kaysa kumain. Hindi na baleng malipasan ng gutom, nakapagyabang naman sa social media.
37. Huwag maggupit ng sariling bangs. Mas mataas ang tsansa na ikaw ay magiging pangit sa bandang huli. Huwag maging kuripot pagdating sa pagpapaganda ng buhok. It’s our crowning glory!
38. Panakot sa mga kabataang nasosobrahan na sa magpapapayat: If you don’t eat; you don’t shit. If you don’t shit, you die.
39. Hangga’t maaari, huwag mangutang. Kung hindi mo kayang bayaran ng cash ang isang bagay, huwag mo itong bilhin.
40. Umidlip araw-araw.
41. Tawanan mo ang iyong mga pagkakamali. Nakakabawas iyon ng disappointment. At nakakagaan ng kalooban.
42. Be honest all the time. Ang kapalit ng pagsisinungaling ay sobrang stress dahil lagi kang nag-iisip ng pampalusot para hindi mabuking.
43. Laging makinig sa sasabihin ng iba. Mas marami kang matututuhan sa pakikinig kaysa kung ikaw ang magsasalita at magtuturo.
44. Find a job that you love. Kahit enjoy ka sa iyong ginagawa, hindi ka makakadama ng pagod kahit kailan.
45. Be lovable. Nakakahaba ng buhay kung maraming nagmamahal sa iyo.
(Itutuloy)
*Centenarian — mga taong umabot ang edad sa 100 taon o higit pa.
- Latest