^

Punto Mo

100 payo ng centenarians

DIKLAP - Ms. Anne. - Pang-masa

ANG Huffington Post, isang American online news ay nag-interbyu ng ilang centenarians (100 years old o higit pa)  at ito ang mga payo nila para magkaroon ng “long and healthy life”:

  1. Maging masaya bawat paggising sa umaga. Gawing espesyal ang bawat araw.
  2. Kung kaya ng bulsa mo, mga gamit na may mataas na qua-lity ang bilhin. Madalas ay iyon ang nagtatagal at hindi nalalaos sa uso. Karapat-dapat lang na regaluhan mo ang sarili ng magaganda at mamahaling bagay. Nakakapagpasaya iyon ng kalooban.
  3. Lumabas at maglakad. Laging ikilos ang katawan upang hindi manghina.
  4. Umibig, magpakasal at makipag-sex.
  5. Hindi kailangang mag-exercise kung araw-araw ay ikaw ang gumagawa ng gawaing bahay. Di ba’t exercise na rin iyon?
  6. Sa halip na kuhanin sa pildoras ang bitaminang kaila-ngan ng katawan, kuhanin mo ito sa mga prutas, gulay at ibang healthy foods.
  7. Iwasang magkimkim ng galit.
  8. Huwag ipagpalit ang iyong minamahal sa anupaman bagay.
  9. Huwag pumayag na kontrolin ka ng ibang tao. Lumaban ka kung kinakailagan.
  10. Umiyak ka kung masama ang iyong loob. Hindi karuwagan ang pagluha, manapa’y katapangan sa pagtanggap ng iyong kahinaan.
  11. Magbiyahe at maglakbay habang bata pa.
  12. Tanggalin ang ugaling pagkukumpara ng iyong buhay sa buhay ng iba.
  13. Kung nahihiya kang makita na kasama mo ang iyong ka-date, senyales iyon na may mali sa pagsama mo sa kanya.
  14. Araw-araw, gumawa ng isang magandang bagay na para lang sa kapakanan mo. Minsan kasi, nakakalimutan natin ang sarili dahil inuuna natin ang mga anak at asawa.
  15. Iwasang maging kuripot.
  16. Magpatawad.(Itutuloy)

vuukle comment

MS. ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with