PARAMIHAN ng kaibigan ang kalakaran sa ‘social networking sites’. Kapag libo ang nasa ‘friend list’ mo sikat.
Isang Rui Hada Kitada ang nag friend request sa ‘kin, tinanggap ko naman.
Nagsimula na siyang magsend ng mga messages sa messenger.
Tiningnan ko ang kanyang profile para malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya. Ang litrato niya sa Facebook parang litrato ng isang ‘porn star’ sa Japan.
Nagduda na ako sa pagkatao niya kaya humingi ako ng litrato ng kanyang pamilya pero mukhang ang ipinadala sa akin ay litrato ng kanyang mga kostumer na kitang-kita na ang background ay club.
Tinawagan ko siya sa messenger para makausap ngunit hindi niya daw naririnig. Sinabi ko sa kanya na kung hindi siya ang babae sa litrato at kung hindi yun ang tunay niyang pangalan ang ginagawa niya ay ang pang-aagaw ng pagkatao ng iba o isang uri ng ‘Identity Theft’.
Pagbukas ko ulit ng FB account ko naka-‘block’ na ako.
Ginamit ko ang ‘official facebook account’ ng Calvento Files para maiparating ang mensahe ko sa kanya.
Ipinaliwanag ko kung anong pwede niyang kaharaping kaso at ang sintensya dito ay mula anim na taon hanggang labing dalawang taong pagkakakulong.
Kung tutuusin maaaring ito’y modus ng ibang mga babae para makapanloko ng mga lalaki. Ito’y maaaring ilapit sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Cybercrime Division para ma-trace ang IP address at malaman kung nasaan ang kanyang computer. Pinayuhan ko siyang burahin na lang ang kanyang account.
Nang muli naming tingnan binura niya na ang kanyang account.
May ibang babae na nakikipag ‘online sex’ kapag nakuha na niya ang background mo, ilang impormasyon, kaibigan at kapamilya.
Mag-ingat kayo dahil usong-uso ang cybersex kung saan kakaibiganin ka tapos makikipag-sex sa ‘yo sa internet. Ikaw naman nagtiwala ka hindi mo alam na nire-record na pala niya tapos bandang huli iba-black mail ka para magbigay ng pera kung hindi ipo-post niya ito mismo sa page mo na magdudulot ng matinding kahihiyan sa buo mong angkan at pati sa iyong mga kaibigan.
Wala kang magagawa kundi magbigay. Ngayon buti kung ito’y one time deal lang gagawin kang gatasan nito.
Sa advancement ng technology isang pindot lang nasa lugar ka ng pagkalayo-kayo at marami ka ng malalaman tungkol dito pero may kaakibat itong negatibong epektong dulot kaya’t sa susunod na iko-confirm mo ang isang friend request tandaan natin na maging maingat dahil baka demonyo na ang kausap mo at demonyo na pala ang ka-chat mo.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.