Ibawal ang prusisyon ng libing

Nabasa ko po ang inyong editorial na may kaugnayan sa balak ng MMDA na ipagbawal ang prusisyon ng libing. Tama po ang balak na ito. Masyadong nakakaabala sa mga motorista ang mahabang prusisyon. Hindi na dapat hinahayaan ang ganito na para bang tama lang ang ginagawang praktis. Nakikita ko na may mga escort pa o advance party na humahawi ang may palibing. Parang sa kanila ang kalsada.

Tama lang ang hakbang ng MMDA at sana sundin ito. Ideretso na lamang ang libing sa sementeryo at wala nang prusisyon pa. Kailangang makisama ang lahat para naman malutas ang trapik sa Metro Manila.

Salamat po. —EGAY SAPUNGIN, Sta. Cruz, Manila

Show comments