^

Punto Mo

Carabao Man (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“O ano pang hinihintay mo Maricel, hubad na. Maliligo na tayo,” sabi ni JP habang hinuhubad ang pantalon. Hanggang sa hubo’t hubad na siya. Nasa harap na sila nang magandang falls. Nag-aanyaya ang mala-kristal na tubig.

“Nahihiya ako JP. Baka may naninilip.’’

“Walang tao rito. Tayong dalawa lang. Sabi ko huwag silang papasok dito sapagkat nagha-honeymoon tayo.’’

“Totoo ba JP?’’

“Oo. Sige maghubad ka na at nang makapaligo na tayo.’’

Napilitan na si Maricel. Tumalikod ito kay JP at sinimulang maghubad. Nakatingin si JP sa asawa. Hangang-hanga siya sa magandang katawan nito. Walang kapingas-pingas. Napatunayan niyang siya ang unang lalaki sa buhay ng asawa. Kaya mahal na mahal niya.

Ganap nang hubad si Maricel.

“Halika na,” yaya ni JP.

Inalalayan ang asawa habang pababa sa dinadaluyan ng tubig mula sa falls. Nang tumubog ang paa ni Maricel sa tubig ay napasigaw ito.

“Ang lamig!’’

“Sa umpisa lang ‘yan. Mamaya-maya, wala nang lamig.’’

Lumubog na sila sa hanggang baywang na tubig.

“Ang sarap!’’

“O di ba?’’

“Hindi na malamig. Maligamgam na.’’

Para silang mga bata nagsabuyan ng tubig. Ang kanilang tawanan ay humalo sa lagaslas ng tubig.

Hanggang sa ipasya nilang magtungo sa pampang. Nangubli sila sa isang malaking puno sa pampang.

Doon sila nagmahalan. Naging saksi ang walang katapusang pagdaloy ng tubig na habang tumatagal ay lalo pang lumilinaw.

Hanggang sa natahimik sina JP at Maricel. Naka-idlip sila sa ilalim ng puno. Maligayang-maligaya habang nasa paraiso.

(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG KAKAIBANG NOBELA NI RONNIE M. HALOS.)

CARABAO MAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with