MARAMING naguluhan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang China.
Malaking bilang ng Pilipino ang nawalan ng tiwala sa China dahil sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea.
Nagsimula ang iringan ng dalawang bansa nang pagbawalan ng China na mangisda ang mga Pilipino sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal. Nagkaroon na ng desisyon at sinabing pag-aari ito ng Pilipinas.
Sa apat na araw na pagbisita niya sa China marami ang umalma at nagbigay ng kani-kanilang opinyon. Pagbalik ng Pangulo sinabi nitong baka maaari nang magbalik sa pangingisda ang mga tao sa Panatag Shoal.
Maghintay lang daw ng ilang araw at baka tuluyan ng makapaghanap-buhay ulit sa nasabing lugar.
Matatandaang kahit na nagdesisyon na ang arbitration court ay igiigiit pa din ng China na kanila ang Panatag Shoal.
Nagkaroon sila ng usapan at iginiit ni Pangulong Duterte na hindi kailangang makipaglaban dahil hindi sila makakahanap ng magandang solusyon.
Maaari namang maayos ito ngunit kailangan pa ng panahon. Umaasa naman hindi lang ang Pangulo kundi maging ang mga kababayan na ang tanging kabuhayan ay ang pangingisda sa Panatag Shoal.
Ilang taon na din naman silang hindi nakinabang dahil may mga istrukturang itinayo ang China sa gitna ng karagatan para bantayan ang nasabing lugar.
Sino ba naman ang maglalakas ng loob na lumapit dun kung hindi ka sigurado kung anong armas ang nakaumang sa ‘yo at anong panganib ang naghihintay sa ‘yo.
Ang malaking tanong dito kelan ba papayagang muli sa pangingisda sa Panatag Shoal at sa mga isla na inangkin ng China na kung titingnan mo ang iba rito ay ‘International waters’.
Sabi nila malapit na, gaaano kalapit kaya? Ilang Merry Christmas ang dadaan pa?
Baka naman binobola lang tayo ng China at tayo naman nakikipagbolahan din.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.