^

Punto Mo

Kandado na nagbubuga ng mabahong usok sa magnanakaw, naimbento sa U.S.

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG SkunkLock ay isang bagong klase ng kandado na magbubuga ng napakabahong usok sa mga magnanakaw na magtatangkang distrungkahin ito.

Naisip ng imbentor nitong si Daniel Idzkowski ang konsepto ng SkunkLock matapos niyang malaman na nasa isa’t kalahating milyong bisikleta ang nananakaw taun-taon sa buong United States kaya naman nagpasya siyang mag-isip ng isang paraan kung paano mapipigilan ang mga krimen na ito.

Matapos ang kalahating taon ay nagawa niya ang kauna-unahang SkunkLock na isang kandadong naglalaman ng kemikal na sa sobrang baho ay tatagos pa rin ang amoy nito kahit pa may gas mask nang suot ang magnanakaw.

Garantisado raw na masusuka ang magnanakaw sakaling mabugahan ito ng mabahong usok mula sa SkunkLock.

Kung nagkataon namang matibay ang sikmura ng magnanakaw ay madali pa rin siyang mahuhuli dahil siguradong didikit sa kanya ang mabahong amoy na manggagaling sa nadistrunkang kandado.

Ipinapangako naman ng mga imbentor ng SkunkLock na ligtas itong dalhin kahit saan dahil hindi ito basta-basta maglalabas ng mabahong amoy kung hindi naman ito sad-yang sisirain.

Inaasahang sa susunod na taon pa maipagbebenta ang SkunkLock dahil nangangalap pa ng puhunan ang mga imbentor nito.

KANDADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with