ISANG sanggol sa Texas ang masasabing dalawang beses ipinanganak matapos siyang ilabas mula sa sinapupunan ng kanyang ina noong siya ay 23 linggo pa lamang para sa isang operasyon.
Isinagawa ang operasyon nang malaman ng mga doktor na may tumutubong tumor sa fetus na nasa sinapupunan ni Margaret Boemer.
Naapektuhan na ng tumor ang puso ng fetus kaya nagpasya na ang mga doktor sa Texas Children’s Hospital na ilabas ang fetus mula sa sinapupunan ni Boemer at alisin ang tumor sa pamamagitan ng isang operasyon.
Naging matagumpay ang operasyon at naibalik uli ang fetus sa sinapupunan ni Boemer kung saan ito nanatili hanggang nanganak na ng normal si Boemer.
Ngayon ay apat na buwan na ang sanggol ni Boemer na pinangalanang Lynlee.
Normal at nasa mabuting kondisyon ang baby ni Boemer kaya itinuturing na himala ang tagumpay ng operasyong nagsalba sa buhay nito.