Carabao Man (172)

MATAPOS ang engrandeng kasal nina JP at Maricel, sa isang engrandeng reception naman sa mala-paraisong lupain ni JP nagtungo ang lahat nang guests. Marami sa mga kasamahan ni Maricel sa Dayami Films, sa pangunguna ni Mr. Kim, Dang at Katya at buong staff ang dumalo.

Kinalimutan na ang mga masasamang nangyari sa pagitan ni Mr. Kim at JP. Lahat ay ibinaon na sa limot. Mabait si Mr. Kim na tinanggap ang paghingi ng tawad ni JP. Wala na ang mga masasamang alaala ng kahapon.

Manghang-mangha ang mga guest nang makita ang mala-paraisong lugar na pagdarausan ng reception. Sa bungad pa lamang ng gate ay makikita na ang mga nakasabog na bulaklak ng ilang-ilang at sampaguita. Sa dadaanan ng mga bagong kasal ay nakalatag ang mga ilang-ilang na humahalimuyak.

Hanggang sa makarating sa pagdarausan ng reception na isang malaking bahay kubo na ang capacity ay mga 300 katao. Natatanaw sa likuran ng giant bahay kubo ang water falls. Maraming namangha at nagsabing “ang ganda!’’

Tumigil sa pinto ng kubo ang bagong kasal at doon tinanggap ang mga guest. May humahalik at kumakamay kina JP at Maricel.

Hanggang sa makapasok ang lahat nang bisita.

Sinimulan ang masarap na kainan. Napakaraming pagkain. Walang tigil ang mga guest sa pagkuha ng pagkain. Parang walang pagkaubos ang pagkain.

Nasiyahan ang mga guest. Unang pagkakataon sa lugar na iyon nagkaroon ng engrandeng kasalan. Wala pa raw nakagagawa nang ganoon na nagsawa ang mga panauhin sa pagkain.

Inabot nang madaling araw ang kainan.

Maraming guest ang doon na naghintay ng umaga.

Kinabukasan, nagpaalam na sina Boy George at Sue.

“Aalis na kami JP, Maricel. Hindi namin malilimutan ni Sue ang araw ng inyong kasal.’’

“Salamat, Boy George,” sabi ni JP. “Sana bumalik kayo.’’

“Gagawin namin iyon, JP. Hanggang sa muling pagkikita.’’

Niyakap ni JP si Boy George at hinalikan si Sue. Ganundin naman ang ginawa ni Boy George kay Maricel.

Umalis na ang dalawa. Inihatid sila ng tingin nina JP at Maricel.

(Itutuloy)

Show comments