Carabao Man (170)

“NATATAKOT ako, JP, baka kung sino ang mga ‘yan,” sabi ni Maricel habang nakahawak nang mahigpit sa baywang ni JP.

“Huwag kang matakot.’’

“Di ba mayroon na lamang na basta binabaril at ninanakawan.’’

“Wala naman tayong atraso. Sino naman ang babaril sa atin?’’

“Kakaiba na ang panahon ngayon, JP. Di ba mayroong mga riding-in-tandem na basta na lamang lalapit sa taong puntirya at saka papuputukan.’’

“Huwag kang matakot. Lalapitan natin. Palagay ko may itatanong lang ang nasa SUV.’’

“Sige JP, bahala ka.’’

Nilapitan nila ang nakatigil na SUV. Dahan-dahan lang ang pagpapalakad ni JP sa kalabaw.

Hanggang sa makalapit sila sa SUV.

Biglang bumukas ang bintana sa passenger’s seat.

Ganoon na lamang ang gulat ni JP nang makita kung sino ang sakay ng SUV. Sina Boy George at Sue! Buntis si Sue.

“Boy George!’’

“JP!’’

Wala namang kaimik-imik si Maricel. Kilala na niya si Boy George. Si Sue ay noon lang niya nakita.

“Paano mo nalaman na narito kami, Boy George?’’

“Nagtanong ako sa Dayami Films. Nalaman ko mula kina Dang na narito kayo ni Maricel alyas Celimar. Nalaman ko na malapit na kayong magpakasal.’’

“Paano mo nalaman?’’

“Hindi na mahalaga yun. Ang maganda ay nakabalik ka sa dating magandang pamumuhay. Natutuwa ako, JP.’’

“Ang lahat ay dahil kay Maricel alyas Celimar. Siya ang nagturo sa akin para hanapin ang landas.’’

“Natutuwa ako, JP. Siyanga pala, kami ni Sue ay magkakaroon na ng anak. Maligayang-maligaya kami.’’

“Congratulations sa inyong dalawa.’’

“Salamat JP,” sabi ni Sue.

“Naiinggit tuloy ako sa inyo.’’

“O e bakit hindi kayo gumawa ni Maricel?’’

“Magpapakasal muna kami, Boy George,” sabi ni Maricel.

“A oo. Pakasal muna kayo.’’

“Balak na nga namin, Boy George. Baka next month.’’

“Aba tamang-tama. Bago kami umalis patungong Ca-nada ay makaka-attend pa kami.’’

“Ikaw ang ninong namin, Boy George.’’

“Aba oo! Sige. Karangalan ko.’’ (Itutuloy)

Show comments