Digong, nagkamali sa PMA Class ’86 na mamuno sa PNP?

GIYAHAN natin si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa para mabilis niyang mabuwag ang sindikato ng kanyang mga mistah na nasa likod ng tong collection sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Sa totoo lang, open secret na itong tong collection sa CIDG subalit mukhang si Gen. Bato lang ang hindi nakaaalam. ‘Ika nga kalakaran na ito noon pa man, di ba Chief Supt. Eliseo Rasco Sir? Para sa kaalaman ni Gen. Bato ang lahat ng tong collector ng CIDG ay nagkita-kita sa Shell gasoline Station sa Magallanes, Makati City tuwing Lunes kung saan ang nakolekta nilang pitsa ay iniabot sa Batangenyong si Emeng Macasaet. Maliban ‘yan kay Raymundo “JR” Magkalas na direkta kay alyas Baby M., ang bagman ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang heneral ng PNP na inakusahan ni Pres. Digong na sangkot sa droga. Si Magkalas kasi Gen. Bato Sir ang nakaarok ng kalakaran sa pasugalan, paihi at oil smuggling sa lahat ng sulok ng bansa kaya direkta siya kay Baby M., para hindi maabot ng ninuman kung magkano talaga ang collection ng CIDG. Punyeta! Magiging maliit lang kasi ang intrega ng mga tong collector kung hindi kasama ang kay Magkalas, di ba mga kosa? Hehehe! Kaya tatlong balik na bilang tong collector ng CIDG si Baby M., kasi di kuntento sina CIDG director Chief Supt. Roel Obusan at Rasco sa weekly intrega ng pumalit sa kanila ni Magkalas. Get’s n’yo mga kosa?

Teka nga pala! Matapos makuha ang pitsa sa gasolinahan, si Macasaet ay pupunta sa Resort World sa Pasay kung saan naghihintay sa kanya si Jojo Caringal, ayon sa mga kosa ko. Tulad nina Bato, Obusan at Rasco, si Caringal, na isang retired Air Force officer, ay miyembro rin ng PMA Class ’86. Kung ang kapatid niya na si ret. Gen. Jimmy “Datu Puti” Caringal ay matatawag kong hero dahil sa papel niya sa ilang nakaraang kudeta, si Jojo ay sumikat dahil sa tong collection, di ba mga kosa? Ano ba ‘yan? Punyeta! Hindi kaya nagkamali si Digong nang piliin ang PMA Class ’86 na mamuno sa PNP dahil pitsa lang ang ginagawa nila? Habang patuloy kasi ang tong collection activities ng CIDG, tahasan ang paglabag sa kautusan ni Digong na labanan ang corruption. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ang tanong ng mga kakosa ko sa Camp Crame, maliban sa tong collection ano ba ang achievement ng CIDG sa liderato nina Obusan at Rasco laban sa kriminalidad?

Baka meron din kaya lang hindi nalalagay sa diyaryo, TV at radio. Boom Panes!

Tungkol naman sa plano ni Bato na i-tokhang ang mga gambling lords tulad sa war vs illegal drugs, ang mungkahi ng kosa kong si Jonathan Mayuga ay isama na rin ang mga pulis na tong collector at financiers ng pasugalan. Masaya ito, di ba mga kosa? Siyempre, dapat nauna sa listahan ni Bato ang mga tong collector ni Rasco na si Sr. Insp. Richard Macachor ng STF-CIDG at sina Baby M., Magkalas, Macasaet at Tata Judo SPD, SPO2 Raymond Diego Santos ng EPD, PO3 Dennis Tagoy ng NPD, Teddy “Suwabe” Sapitula ng Quezon City, ret. SPO4 Domeng “Demonyo” Alagde ng MPD, Bgy. Poblacion, at Tanauan, Batangas chairman Mike Biscocho sa PRO4-A. Isama mo na Gen. Bato Sir sina SPO4 Roberto “Obet” Chua at SPO3 Gener “Paknoy” Presnedi, na kapwa financier ng racehorse bookies sa Manila. Punyeta! O hayan, Gen. Bato Sir, tiyak di ka maliligaw sa detalye na ibinigay ng mga kosa ko kung seryoso kang buwagin ang sindikato ng illegal gambling. Tumpak!

Kung sa laban sa droga may mga pulis na sangkot, tiyak sa illegal gambling meron din. May listahan din kaya si Digong ng mga pulitiko, huwes, pulis, at iba pang opisyales ng gobyerno na sangkot sa illegal gambling? Hehehe! Ibulgar na ‘yan! Abangan!

Show comments