Si President Digong ang ibinoto ko noong May election sapagkat naniniwala akong malaki ang magagawa niya para malutas ang problema sa corruption, krimen at pagkalat ng droga. Natuwa ako nang manalo siya sapagkat magkakaroon na ng matigas na Presidente na handang lumaban sa mga masasama sa bansang ito.
Sa palagay ko, ang kailangan ng bansa natin ay isang Presidenteng may tapang at panininindigan. Kailangan ang isang pinunong hindi masisindak.
Natutuwa ako sapagkat ginagawa ni President Digong ang pinangako. Bumaba na ang krimen sa Metro Manila sapagkat maraming drug pushers at addict ang naaresto at ang mga lumalaban ay napapatay. Napabilis din ang serbisyo sa mga tanggapan sapagkat wala nang pila at kung anu-anong mga requirements.
Sa ngayon ang tanging puna ko lamang kay President Digong ay ang kanyang pagmumura. Sana naman ay mapigilan niya ang sarili para hindi na makapagmura. Hindi magandang pakinggan. ---DANIEL MANALAYSAY, Malibay, Pasay City