20 ‘maparaan’ tips

Nagiging flat ang unan kapag luma na. Para maibalik ang pagiging mapintog, ilagay ito sa dryer ng washing machine at paikutin ng 10 minutes.

Diamond  ang mainam na korte ng iyong garden na pagtataniman ng mga bulaklak. Ang diamond shape ay lumilikha ng ilusyong puno ng tanim ang iyong garden, lalo na kapag namumulaklak na ang mga ito.

Mapaghihiwalay ang dalawang basong napadikit na sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagpatong nito sa bowl na may mainit na tubig.

Gamit ang kapirasong kamiseta na nilagyan ng kaunting toothpaste, ito ang ikuskos sa cell phone at glassware na may scratches.

Dulo ng lapis ang ikuskos sa ngipin ng zipper na bumara. Ang graphite ang magpapadulas sa ngipin para gumalaw ang zipper.

Kung may nire-repair kang gamit at kailangan mong paghiwa-hiwalayin ito, kunan mo muna ito ng litrato habang buo pa. Ang litrato ang gagamitin mong reference para iwas-lito kapag bubuuing muli ang ni-repair na gamit.

Kapag magpapasukli sa tindahan, bus, o taksi ng 1000 or 500 peso bill, kuhanan mo muna ng litrato ang pera (harap at likod) bago ibayad. May mga manloloko pa rin na lumang-luma na ang istilo sa panloloko, kunwari ay 100 peso bill lang ang naibigay mo. O, kaya, pinapalitan nila ng fake money ang ibinayad mo. Ipakita mo na kinunan mo ang iyong pera sa taong pagbibigyan mo ng pera.

(Itutuloy)

Show comments