Toxic Person
PAYO ng psychologists, ang isang paraan para lumigaya ang buhay ay layuan ang mga toxic people. Ito ay mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, officemates na laging nagiging dahilan ng iyong stress. Kaso, kung sino pa ang toxic, sila ‘yung gustong-gustong bumisita sa bahay mo.
Ang toxic person na iniiwasan ko ay isang kamag-anak na laging nagpapataas ng aking blood pressure. Kaya bago pa may mangyaring hindi maganda sa akin ay gumawa na ako ng paraan para “matakasan” ko siya.
Ipinaglihim ko na may wireless landline telephone ako. Nakalagay ito sa lihim na lugar sa bahay kaya kahit bumisita siya sa bahay, invisible ito sa kanyang paningin. Ito ang dating ginagamit niyang komunikasyon sa akin dahil may landline telephone siya.
Ang alam niya ay ipinatanggal ko na ang aking landline telephone, pero ang totoo, lumipat lang ako ng telephone company. Kahit may cell phone siya at alam niya ang cell phone number ko, hindi siya makatawag dahil nanghihinayang siya sa magagastos na load.
Magaling lamang ang toxic person na ito kapag may kaila-ngan siya. Nabisto ko na may hindi siya magandang niloloob sa amin nang magkausap kami ng isa pa rin kamag-anak.
“Tinawagan ka ba ni (toxic person) para sabihing imbitado kayong sumama sa anihan ng mangga sa Pangasinan ? ”
“Hindi siya tumawag, ” sagot ko
“Bakit ang sabi sa akin at tinawagan ka raw pero ayaw mo raw sumama. ”
Nang magkaharap kami ni Toxic person, tinanong ko siya tungkol sa anihan ng mangga.
Ang padedma niyang sagot sa akin ay, “Hindi ko na matandaan ‘yang sinasabi mo,” sabay alis na para bang iniiwasang mag-follow up question ako.
Kinabukasan ay tinawagan ako sa cell phone. Nagtatanong kung may iniwang pera ang aking ina para ibigay sa kanya.
“Wala. Nakalimutan siguro. Mana sa iyo, makakalimutin din.” sagot ko
Pero ang totoo, may iniwang pera. Sa ibang araw ko na lang ibibigay. Hayaan kong masabik. Paglalawayin ko muna. Pinaglaway din niya ako sa mangga.
- Latest